Duterte, tumangging sumagot sa tanong kung sino ang gusto niyang manalo bilang US President
Tumangging magbigay ng komento si Pangulong Rodrigo Duterte sa tanong kung sino ang gusto niyang manalo bilang US President sa gaganaping eleksyon sa susunod na buwan.
Ayon kay Duterte minabuti niyang hindi sagutin ang tanong upang maiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa mga kandidatong sina Hillary Clinton at Donald Trump.
Dagdag pa ni Duterte na gusto niyang sagutin ang naging tanong sa kanya ng buong katotohanan ngunit hindi aniya puwedeng isugal ang magiging epekto nito na maaring magdulot ng di pagkakaunawaan.
Sinabi na lang ni Duterte na si Vladimir Putin ang kanyang paboritong bayani.
Dumating si Duterte sa bansa noong Biyernes mula sa four-day state visit niya sa China kung saan kanyang inihayag ang pagkalas ng Pilipinas sa US sa larangan ng ekonomiya at military.
Binigyang diin din ni Duterte sa kanyang naging pagbisita ang kanyang kagustuhan na palakasin ang relasyon ng Pilipinas sa China at Russia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.