Dalawang military task force, pinagsama para paigtingin ang seguridad ng Davao City
Bumuo ang military ng mas malaking task force sa Davao City para palakasin ang seguridad sa lugar.
Opisyal na inilunsad ang Task Force Haribon, mula sa kombinasyon ng Task Force Davao at Task Force Samal kahapon ng Sabado.
Binuo ang nasabing task force para maiwasan ana ng maulit ang naganap na pagpapasabog sa isang night market sa lungsod ng Davao na pumatay sa 15 katao at ikinasugat ng maraming iba pa.
Pinangunahan ni Davao City Mayor Sarah Duterte ang inagurasyon ng naturang task force na binubuo na mga elite members ng Philippine Navy, Air Force at Special Operation Force.
Kaugnay ng naging seremonya ay pinasalamatan ni Mayor Duterte ang mga naturang security forces sa kanilang patuloy na serbisyo sa lungsod laban sa kriminalidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.