Luis Manzano at Jessy Mendiola, magkasamang dumalo sa Star Magic Ball

bandera.inquirer,net

Magkasamang dumalo sina Jessy Mendiola at Luis Manzano sa Star Magic Ball sa kabila ng mga negatibong kritisismo sa kanilang close relationship.

Si Mendiola na tinanghal ng “Sexiest Woman” sa bansa ay naka simpleng backless dress habang si Manzano naman ay naka dark tuxedo na may red na bow tie.

Ayon kay Manzano, napagdesisyon nila ni Mendiola na “to take their time” sa kanilang relasyon.

Matagal na usap-usapan na ang dalawa ay “dating” na kung saan sinasabi ng iba na dahilan ng break up nina Manzano at Angel Locsin ay si Mendiola.

Kaugnay nito, nauna ng pinabulaan ni Manzano na si Mendiola ang naging dahilan ng kanilang breakup ni Locsin pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ito sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.

 

 

 

 

 

Read more...