Adamson, wagi kontra UE

By Rod Lagusad October 23, 2016 - 03:36 AM

sports.inquirer.net

Panalo ang Adamson University kontra sa University of the East sa kanilang laban sa 79th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon ng Sabado sa iskor na 79-71.

Pinanguhan nina Papi Sarr ang Falcons sa may 25 points at Jerrick Ahanmisi na may 17 points.

Ayon kay Sarr, naging maganda ng naging laro para sa kanilang koponan.

Sinabi naman ni head coach Franz Pumaren na patunay lang ito na bawat laro ng kanilang koponan ay isang aral.

Dagdag pa ni Pumaren na ang kanilang main goal ay ang maging competitive at dahil sa kanilang ipinapakitang laro ay may malaki silang tyansa sa makapasok sa final four.

 

TAGS: Adamson, Smart Araneta Coliseum, UAAP, ue, Adamson, Smart Araneta Coliseum, UAAP, ue

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.