Mahigit 50 katao, arestado sa “one time, big time” drug raid sa Taguig

By Rod Lagusad October 23, 2016 - 03:43 AM

DrugsArestado ang mahigit 50 katao sa “one time, big time” operation ng anti-illegal drugs division ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City kahapon ng Sabado.

Hindi baba sa 23 mga suspek ang naaresto habang 28 naman ang boluntaryong sumuko.

Ayon sa inisyal na impormasyon na ibinigay ni SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., na ang tatlong oras na anti-illegal drug drive sa PNR Site, Lower Bicutan ay nagsimula ng alas singko ng umaga.

Narekober sa mga suspek ang dalawang hand guns, 22 sachets ng hinihinalang shabu, walong impounded na mga motorksiklo, isang digital weighing scale at ibang drug paraphernalia.

Ang mga nakalap na ebidensya ay dinal sa police station para sa processing at documentation ng mga ito habang sinala naman ang suspek sa Taguig City Jail at sinampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

TAGS: drugs, SPD, Taguig City, drugs, SPD, Taguig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.