Power plant sa Marawi tinangkang pasabugin

By Alvin Barcelona October 22, 2016 - 07:26 PM

Marawi-City.8Tinangka sa ikalawang pagkakataon na bombahin ang National Power Corporation Agus 1 Hydro Electric Power Plant sa Marawi City.

Napigilan naman ng militar mula sa Explosive and Ordnance Team ng 103rd Infantry Brigade ang pagsabog ng improvised bomb sa gate ng power plant dakong alas sais ng umaga.

Ipinahayag ito ng hepe ng Regional Police Safety Battalion sa Autonomous Region in Muslim Mindanao na si Senior Inspector Epream Paguyod.

Aniya, isang 81-milimeter mortar ang bomba.

Sinabi ni Paguyod na ilang hindi kilalang armadong lalaki ang nag-iwan ng pampasabog noong Biyernes ng gabi.

Naganap ang mga pagtangkang pasabugin ang planta isang buwan matapos magtayo ng detachment at command center ng RPSB sa loob nito.

Ayon kay Paguyod, maaaring kaugnay ito sa laban ng RPSB kontra iligal na droga o bahagi ng test missions ng Maute terror group sa mga bagong recruit nito.

TAGS: marawi, Maute, ngcp, PNP, marawi, Maute, ngcp, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.