Hostage taker patay sa mga pulis sa Cavite

By Alvin Barcelona October 22, 2016 - 07:22 PM

crime-scene-300x200Patay ang isang lalaki makaraan niyang gawing hostage ang magtiyahin na biktima sa Damariñas City sa Cavite.

Ang hinostage ay sina Janielsa, 8-anyos  at ang kanyang tiyahin na si Marian tarazona.

Hindi pa malinaw sa mga otoridad kung bakit nanghostage ang suspek na si Peter Advincula sa loob ng Remulla Compound sa nasabing lungsod.

Pero sa base sa inisyal na impormasyon, pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima at nanghingi ng coverage mula sa mga mediamen galing ng Maynila.

Kaagad umanong tinutukan ng patalim ng suspek ang mga biktima pasado alas-dos ng tanghali kanina.

Mabilis naman ang naging responde ng mga pulis at kaagad na sinimulan ang negosasyon pero hindi na umano makausap ng matino ang suspek na pinaniniwalaang sabog sa ipinagbabawal na gamot.

Nang simulan ni Advincula na sasaksakin ang mga biktima ay dito na mabilis na kumilos ang mga pulis at kaagad nilang binaril ang suspek na idineklarang dead-on-arrival sa Emilio Aguinaldo Hospital.

Nabatid din na residente sa Trece Martirez City ang napatay na suspek samantalang ginagamot naman sa ospital ang mga sugatang biktima ng hostage taking.

TAGS: dasmarinas cavite, hostage, PNP, dasmarinas cavite, hostage, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.