Duterte pinaghahanda ni Erap sa buwelta ng U.S
Sinabi ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada na dapat paghandaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gagawing pagbwelta sa kanya ng U.S makaraan niyang sabihin na tatalikuran na niya ang military at economic ties dito.
Ayon kay Estrada, malaki ang posbilidad na pangunahan ng U.S ang pagpapatalsik kay Duterte.
Noong siya pa ang lider ng bansa, sinabi ni Estrada na ganito din ang ginawa ng U.S sa knay makaraan niyang lusubin ang kampo ng Moro Islamic Liberation Front sa Camp Abubakar bagay na ikinagalit ng American government.
Ipinaliwanag rin ng dating pangulo na tama ang ginawa ni Duterte na manindigan bilang isang independent nation ang bansa.
Inakusahan rin ni Estrada ang America ng pakikialam sa panloob na suliranin ng Pilipinas at ito umano ang sinasakyan ng pwersang nasa likod ngayon ng mga plano laban sa Duterte administration
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.