Red Cross caravan umusad na patungo sa Cagayan Valley

By Rohanisa Abbas October 22, 2016 - 04:20 PM

Gordon PRC
PRC

Tumulak na patungo sa mga nasalanta ng bagyong Lawin ang humanitarian caravan ng Philippine Red Cross (PRC).

Binubuo ito ng mga fuel at water tanker, mga ambulansya, mga rescue van at mga trak na dala ang relief goods at mga materyales na kailangan sa para sa mga nasalanta ng bagyo.

Sinabi ni Philippine Red Cross Charman Richard Gordon na kailangan ang mabilis na aksyon para sa mga apektado ng magkasunod na bagyong Karen at Lawin.

Kaagad na didiretso ang nasabing caravan sa mga nasalantang residente sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Pinasalamatan rin ng opisyal ang kanilang mga kasamahan sa naturang mga lalawigan dahil sa mabilis na pagtulong sa mga nabiktima ng katatapos na mga bagyo sa Northern Luzon.

TAGS: Cagayan, Gordon, isabela, lawin, PRC, Cagayan, Gordon, isabela, lawin, PRC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.