Pangulong Duterte, kinumpirma ang pagbisita sa Japan

Duterte October11Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbisita sa Japan ngunit hindi pa sigurado kung isa itong state visit.

Ayon sa pangulo, nais niyang makausap si Japanese Prime Minister Shinzo Abe kasama ang iba pang opisyal ng Japanese government upang talakayin ang usaping-pang ekonomiya.

Kung sakali aniyang mapag-usapan ang South China Sea, iginiit ni Duterte na papayag itong magkaroon ng usapan patungkol dito sa isang hiwalay na araw at walang kasamang ibang usapin.

Giit pa ni Duterte, maaari lang makipagkasundo ang Pilipinas kung ang magiging solusyon sa South China Sea ay makakabuti para sa lahat.

Maaari aniya itong maging isang bilateral talk o kaya’y multi-lateral depende sa pag-usad ng nasabing usapin.

Read more...