Mga bangkay na sakay ng bumagsak na eroplano sa Ilocos Sur nakuha na

ilocos-sur-Nakuha na kanilang umaga sa karagatang sakop ng Ilocos Sur ang mga labi ng dalawang sakay ng bumagsak na Cessna plane kahapon.

Kinilala ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio ang mga biktima na sina John kaizan Estabillo at ang kasama nitona si Paula Biance Robles.

Pasado alas-sais ng umaga kanina nang makuha ang mga labi nina Estabillo at Robles sa fuselage ng bumagsak na Cessna plane na may body number RP 7838.

Sa paunang imbestigasyon ng CAAP, sumabit umano sa kable ng isang zipline ang eroplano na naging dahilan ng pagbagsak nito sa karagatan.

Ang naturang Cessna plane ay pag-aari ng Leading Edge International Academy.

Read more...