AFP: Korean captain dinukot ng Abu Sayyaf sa Tawi Tawi

By Den Macaranas October 22, 2016 - 10:03 AM

Dong Bang Giant
Twitter pic

Kinumpirma ng Western Mindanao Command na mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf ang nasa likod ng panibagong pagdukot sa lalawigan ng Tawi Tawi.

Sa ulat na inilabas ng Wesmincom, tinangay ng mga Abu Sayyaf members  sa pangunguna ng kanilang sub-commander na si Idang Susukan ang kapitan at Pinoy na crew ng MV Dong Bang Giant na isang Korean-registered na barko.

Ang mga bikitima ay kinilalang sina Captain Park Chui Hong at crew na si Glenn Hidalgo na sinasabing residente sa Cebu City.

Nabatid sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police na galing sa Australia ang nasabing barko ng mapadaan sila sa karagatang sakop ng Tawi Tawi.

Gamit ang ilang speed boat ay nagawa umanong ma-hijack ng Abu Sayyaf ang MV Dong Bang Giant bago nila tinangay ang mga biktima patungo sa hindi binanggit na lugar.

Nauna dito ay naging sunud-sunod rin ang pagdukot ng Abu Sayyaf sa mga crew ng ilang mga foreign vessels na dumadaan sa Tawi Tawi .

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, korean, mv dong bang giant, Abu Sayyaf, AFP, korean, mv dong bang giant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.