Japan interesado sa detalye ng pagkalas ng Pilipinas sa ugnayan sa U.S

Duterte-Abe
Inquirer file photo

Nais linawin ng Japan ng direkta kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kung ano ang ibig sabihin nito ng salitang “separation” sa U.S

Sinabi ni Japanese Embassy Deputy Chief of Mission Atsushi Ueno na tatanungin nila si Duterte sa mga nilalaman ng kanyang foreign policy at kasama na dito ang pakikipag-kalas sa America.

Sa susunod na linggo ay dadalaw sa Tokyo ang pangulo para sa isang official visit.

Magugunitang ang Japan at China ay nagkaroon din ng agawan ng teritoryo malapit sa kanilang boundary.

Maging ang ilang bansa sa Asia ay nabigla nang sabihin ni Duterte sa kanyang state visit sa China na kumakalas na ang Pilipinas sa military at economic ties nito sa U.S.

Sinabi ng pangulo na mas higit na nakikinabang ang America kumpara sa Pilipinas sa mga kasunduang pinasok ng dalawang bansa.

Read more...