White House dismayado sa anti-U.S statements ni Duterte

By Den Macaranas October 22, 2016 - 08:30 AM

WASHINGTON - SEPTEMBER 24: The White House is shown in the early evening September 24, 2008 in Washington DC. Later tonight President George W. Bush will address the nation on live television about the current financial crisis and is expected to talk about the bailout package currently being debated in Congress.  (Photo by Mark Wilson/Getty Images)
AP

Aminado ang White House na nababahala sila sa mga naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa U.S pati na rin sa kanilang lider na si Barack Obama.

Sa isang statement, sinabi ni White House Spokesman John Earnest na dapat linawin ng pangulo ang kanyang sinabi na kumakalas na siya sa U.S.

Ipinaliwanag ni Earnest na posibleng malagay sa alanganing sitwasyon ang 70-taon relasyon ng U.S at bansa dahil sa mga batikos at pabago-bagong pahayag ni Duterte sa ilang mga isyu na may kaugnayan sa kanilang bansa.

“Some of it personal, some of it offensive, some of it confusing, all of it walked back by senior officials in his government. So that’s the source of the uncertainty,” paliwanag ni Earnest.

Sinabi rin ng naturang U.S official na dapat ay maging responsable si Duterte sa kanyang mga binibitawang mga pananalita na nagsisilbi ito bilang bahagi ng foreign policy ng bansa.

Gayunman, tiniyak ni Earnest na hindi basta tatalikod ang U.S sa matagal nang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa.

TAGS: China, duterte, john earnest, U.S, White House, China, duterte, john earnest, U.S, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.