VP Robredo, binisita na ang mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan

By Ricky Brozas October 22, 2016 - 05:05 AM

leni-robredoPersonal na inalam ni Vice President Leni Robredo ang lagay ng mga residente sa bayan ng Penablanca, Cagayan matapos manalasa ang bagyong Lawin Miyerkules ng gabi.

Unang binisita ng pangalawang pangulo ang Peñablanca National High School na malubhang winasak ng bagyo at ang Peñablanca Central Elementary School.

Ayon kay Robredo, prayoridad ng kanyang tanggapan sa Housing Urban Development Coordinating Committee (HUDCC) ang magbigay ng tulong sa mga residente na nawalan o nasiraan ng tahanan dahil sa bagyo.

Hinimok rin ng pangalawang pangulo ang mga opisyal ng lalawigan na gumawa ng request sa iba pang ahensiya ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng kani-kanilang nasasakupan.

Ang kanyang opisina na aniya ang bahala sa koordinasyon para sa mgs ahensiya ng pamahalaan.

Unang tinungo ni Robredo ang Tuguegarao City sa Cagayan habang dala ang mga relief items mula sa kanyang tanggapan para sa mga biktima ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.