Nasa 500 katao, pinalabas ng London airport dahil sa isang ‘chemical scare’

By Kabie Aenlle October 22, 2016 - 05:27 AM

(Victoria Jones/PA via AP)
(Victoria Jones/PA via AP)

Tinatayang nasa 500 katao ang pinalabas mula sa London City Airport matapos ang naganap na “chemical scare,” Biyernes ng hapon, oras doon.

Bigla na lamang naubo ang ilan sa mga taong nasa loob ng paliparan, na umabot na sa puntong hindi na sila makapagsalita.

Makalipas ang ilang minuto ay agad na pinalabas ang lahat ng taong naroon.

Ayon pa sa isang pasahero, walang amoy o kulay ang umano’y kemikal na nagdulot nito.

Dahil dito, agad na pumunta ang mga bumbero para inspeksyunin ang buong lugar, habang nanatili pansamantala sa labas ang mga tao.

Nasa 26 na katao naman ang ginamot sa mga ambulansya, habang dalawang pasyente ang kinailangang dalhin sa ospital. Pero matapos ang mahigit tatlong oras, idineklara nang ligtas ng mga otoridad ang paliparan.

Sa paghahalughog nila, natagpuan ng Metropolitan Police ang isang hinihinalang CS gas spray o mas kilala sa tawag na tear gas.

Hindi pa naman tiyak kung ano talaga ang dahilan ng insidente, pero posibleng nagkaroon lang ng aksidenteng pag-singaw ng nasabing kemikal.

Gayunman, sinabi ng pulisya na hindi nila tinitingnan ang insidente bilang terrorist related.

Nagdulot naman ng maraming kanselasyon at pagka-delay ng mga flights ang nasabing insidente lalo’t tuwing Biyernes ay kadalasang fully booked ang mga fligts sa nasabing paliparan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.