Mga nagkainitang rallyista at pulis, kakausapin ni Duterte

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Upang malaman ang katotohanan sa mga detalye ng pangyayari sa naganap na dispersal ng rally sa harap ng US Embassy noong Miyerkules na nauwi sa karahasan, ipapatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nag-protestang militanteng grupo at ang pulis na nag-maneho ng mobile na sumagasa sa mga nagra-rally.

Ayon sa pangulo, nais niyang maayos na ang alitan sa pagitan ng magkabilang panig.

Paliwanag pa ni Duterte, hindi naman niya ipinagtatanggol ang pulis na si PO3 Franklin Kho na siyang nagmaneho sa nasabing mobile, pero posibleng na-stress lang umano ito dahil akala niya pagkaka-isahan siya ng mga rallyista.

Ani Duterte, nais niyang imbitahin si Kho para mag-kape at nais niyang makausap din ang mga nag-protesta upang malaman kung ano talaga ang nangyari.

Ayaw na rin aniya ng away, at ayaw rin niya nang may masasaktan, militante man o pulis dahil dapat na idaan sa maayos na usapan ang ganitong isyu.

Read more...