Binatilyong estudyante, patay sa pananaksak ng mga ka-eskwela sa Davao City

By Kabie Aenlle October 22, 2016 - 04:46 AM

davao cityPinagsa-saksak ng mga kapwa niya estudyante ang isang binatilyong estudyante na grade 6 sa Davao City, na siyang ikinamatay nito.

Kinilala ang biktima na si John Mark Olareta na estudyante ng F. Bangoy Elementary School, na dinala pa sa ospital ngunit nasawi rin kalaunan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya ang dalawang suspek ay mag-pinsan at pawang mga ka-eskwela rin ni Olareta.

Katwiran ng mga suspek, binu-bully umano sila at inaaway ng biktima at ng mga kaibigan nito.

Una nang nagkagulo ang tatlong mga estudyante sa loob ng paaralan bago mangyari ang insidente, at naawat pa sila ng mga guro ngunit hindi nila inakalang mauuwi pa sa saksakan ang away na ito.

Pinabulaanan naman ng biktima na bully ang kaniyang anak at iginiit na mabuti itong bata.

Dahil menor de edad pa ang mga nakapatay kay Olareta, isinailalim na sila sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.