NDRRMC, itinanggi na hindi gumana ang free mobile alert system bago manalasa ang Bagyong Lawin

October 21, 2016 - 07:35 PM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Pinabulaanan ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang mga ulat na hindi gumana ang free mobile alert system ng mga Telcos bago manalasa ang super bagyong Lawin.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nakapagpadala ng mga libreng text message ang mga telecom company sa mga subscribers nila na nasa lugar na apektado ng bagyo.

Giit ni Marasigan, katunayan nakatanggap sila sa NDRRMC ng mga text ng mga pasasalamat mula sa mga taong naka tanggap ng babala.

Ani Marasigan, sa mga lugar lang na apektado ng bagyo ipinadadala ang mga mobile alert sms.

Ibinabato ito ng mga telcos sa kanilang mga cell site na nakatayo sa mga lugar na mahahagupit ng bagyo. Sa pinakahuling tala ng NDRRMC, 7 na ang kumpirmadong patay dahil sa bagyong Lawin, 5 pa ang under verification, at 3 naiulat na nawawala.

Lahat umano ng mga kumpirmadong namatay dahil sa bagyo ay sa Cordillera region at karamihan sa kanila, natabunan ng lupa habang natutulog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.