National tragedy, ang ginawa ni Duterte na pagkalas ng alyansa sa US ayon kay Del Rosario

By Rod Lagusad October 21, 2016 - 07:04 PM

Albert del rosarioItinuturing na “national tragedy” ni dating Department Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang pahayag ni Duterte na pagputol ng defense at economic ties sa matagal na kaalyado ng Pilipinas na US.

Ayon kay Del Rosario ang pagdeklara ng bagong foreign policy kung saan ang pagkalas sa matagal ng kaalyadong bansa papunta sa isang agresibong bansa na tumatangging kilalanin ang international law ay isang hindi magandang hakbang.

Matatandaang si Del Rosario ang nanguna sa naging arbitration case ng gobyerno ng Pilipinas sa paghamon ng validity ng territorial claims ng China sa West Philippine Sea at paghahanap ng kalinawan sa mga territorial entitlements ng mga inuukopahang mga teritoryo  nito sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Seas o UNCLOS.

Pabor ang naging desisyon ng arbitration court sa The Hague, Netherlands sa Pilipinas kung saan hindi tinanggap dito ang historical claim ng China.

Umaasa si Del Rosario na maitatama ang naging deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang business forum sa Beijing, China bilang bahagi ng kanyang four-day state visit sa naturang bansa.

TAGS: Albert Del Rosario, China, rodrigo duterte, US, Albert Del Rosario, China, rodrigo duterte, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.