Dalawa ang patay sa plane crash sa Ilocos Sur

pcso.gov.ph

(UPDATE) Patay ang piloto at pasahero ng isang maliit na eroplano matapos itong bumagsak sa karagatang sakop ng Ilocos Sur.

Sakay ng Cessna airplane na may body number na RP-C7838 ang pilotong si John Kaizan Estabillo at pasaherong si Paula Biance Robles nang sumabit sa kable ng zipline ang eroplano at nag-crash.

Galing sa airport sa Vigan City ang eroplano at ayon sa mga testigo, nakita nilang sumabit ang kanang pakpak nito sa zip line dahilan para bumagsak ito sa karagatan.

Nagtulong-tulong na ang mga diver mula sa Philippine Coast Guard at Philippine Navy pero bigo silang agad ma-retrieve ang katawan ng dalawang biktima mula sa cockpit ng eroplano.

Batay naman sa mga kagamitan ng dalawa na nakitang palutang-lutang sa tubig, lumilitaw na si Robles ay nag-aaral magpalipad ng eroplano.

Inooperate ng Leading Edge International ang nasabing Cessna plane.

 

 

Read more...