Davao del Norte, nilindol

August 02, 2015 - 01:33 PM

Mula sa inquirer.net

Limang banayad na paglindol ang tumama sa Davao del Norte kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), unang tumama ang magnitude 4.6 na lindol may 28 kilometro ang layo hilaga ng Sto. Tomas na may lalim na 8 kilometro dakong 11:17 ng gabi, araw ng Sabado.

Naramdaman ang pagyanig sa Sto. Tomas sa intensity 4, samantalang intensity 3 naman sa bahagi ng Davao City.

Sumunod namang naramdaman ang tatlo pang pagyanig sa na nasa pagitan ng magnitude 3.2 hanggang 3.7 sa kapareho ring lugar kaninang 8:52 ng umaga.

Wala namang iniulat na pinsala sa imprastruktura sa Davao Del Norte resulta ng apat na pagyanig. /Jay Dones

 

Bahagya lamang ang pagyanig at walang naiulat na pinsala sa bahagi ng Davao del Norte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.