Globe may libreng tawag at text sa mga nasalanta ng bagyong Lawin

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2016 - 05:18 PM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

May libreng tawag ang Globe Telecom para sa mga biktima ng Super Typhoon Lawin.

Nagtayo ang nasabing telecom company ng Libreng Tawag at Libreng Charging stations sa mga lalawigan na labis na naapektuhan.

Para sa mga TM customers sa Cagayan Province, Kalinga, Apayao, Isabela, Ilocos Norte, Batanes, Aurora, at Abra mayroon silang Unli Intra SMS + 50 Allnet SMS + 10 Minutes Call sa TM at Globe numbers.

Ang nasabing serbisyo ay valid para sa isang araw at magagamit ng mga globe subcribers.

Nag-alok din ng Libreng Tawag at Libreng Charging centers ang globe sa Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Mountain Province at Cagayan.

Ayon kay Fernando Esguerra, Globe Director for Citizenship, layon nitong matulungan ang mga biktima na makapag-establish ng komunikasyon sa kanilang mga kaanak upang makahingi ng tulong o di kaya ay maipabatid na sila ay nasa ligtas na kalagayan.

Ang Libreng Tawag and Charging stations ng Globe ay bukas hanggang October 23 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi sa Cauayan, Isabela.

At hanggang October 24 naman sa sumusunod na lokasyon:

ISABELA:
– Across Cauayan City Hall
Globe PD Store – along National Highway across Ilagan Public Market
Cabagan Municipal Hall
Tumauini Municipal Hall

ILOCOS NORTE:
Provincial Capitol, Brgy 10 JP Rizal Street, Laoag City
Paoay Civic Center, Poblacion
Badoc Municipal Hall

ILOCOS SUR:
Vigan Public Market
Bantay Arcade
Sto Domingo Public Market

MT. PROVINCE:
Poblacion, Bontoc

BENGUET:
Brgy Hall, Dominican Hill, Baguio City

LA UNION:
Poblacion, Bacnotan (across Municipal Hall)
Bangar Public Market

CAGAYAN:
Brgy Namabbalan Norte, Tuguegarao City
Brgy. Pengue Ruyu, Tuguegarao City
Brgy. Gosi, Tuguegarao City
Brgy Buntun, Tuguegarao City
Brgy Carig, Tuguegarao City
Onon Marketing Office, Tuguegarao City
Onon Marketing Warehouse, Tuguegarao City
Brgy. Dadda, Tuguegarao City
Brgy. Tagga, Tuguegarao City
Brgy. Larion, Tuguegarao City

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.