Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, nagpiyansa sa Sandiganbayan kaugnay sa Kentex fire case

By Alvin Barcelona October 21, 2016 - 03:56 PM

KentexNagpiyansa na si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian para sa kasong kinakaharap nito sa Sandiganbayan.

Patungkol ito sa kasong kriminal na isinampa ng Office of the Ombudsman sa anti-graft court laban sa alkalde kaugnay ng sunog na naganap sa isang factory ng Kentex noong May 13, 2015 na ikinasawi ng mahigit na 70 katao.

Nagpiyansa si Gatchalian ng P90,000 para sa mga kasong kinakaharap nito.

Nahaharap si Gatchalian sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at physical injuries dahil sa pag-iisyu nito ng permit to operate sa Kentex kahit na malinaw na bagsak ito sa fire safety standards.

Samantala, umaasa si Gatchalian na idi-dismiss ng Sandiganbayan ang nasabing kaso at ikukunsidera ng graft court ang kanilang pagsisikap ng Valenzuela at iba pang Local Government Units (LGUs) para gawing mas madali na mag-negosyo sa bansa at itaas ang ranking ng Pilipinas sa larangan ng global competitiveness.

Maliban sa kaniyang kaso, binayaran din ni Gatchalian piyansa ng iba pang opisyal ng Valenzuela na isinasangkot sa nasabing kaso.

 

TAGS: rex gatchalian, rex gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.