WATCH: Relief packs, isinakay sa rubber boat para mahatiran ng tulong ang isolated Barangay sa Cabagan, Isabela

By Ricky Brozas October 21, 2016 - 01:35 PM

Cabagan, Isabela | Kuha ni Richard Garcia
Cabagan, Isabela | Kuha ni Richard Garcia

Kinailangan pang tumawid ng ilog ng mga otoridad para lamang maihatid ang relief packs sa Brgy. Sto. Tomas, Cabagan, Isabela.

Isolated kasi ang naturang barangay dahil sa pagbaha at malakas na agos ng Cagayan river.

Nagtulong-tulong ang composite team mula sa AFP, PNP, Philippine Air Force at PDRRMO para maiparating ang tulong sa lugar.

Ayon kay SPO2 George Sarmiento ng Sto. Thomas PNP, gutom ang aabutin doon ng daan-daang pamilya kapag hindi kagyat na naiparating ang ayuda.

Gamit ang speed boats at life boat ay salit-salitang ikinarga ang mga food packs na nagmula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
 

Samantala, gumanda na ang lagay ng panahon sa lalawigan at nagpakita na ang haring araw.

Sinamantala naman ito ng mga magsasaka para ibilad ang kanilang mga nabasang palay.

Humupa na rin ang baha sa ilang komunidad lalo na sa mga lugar na malapit sa mga ilog.

 

TAGS: Cabagan Isabela, Cabagan Isabela

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.