WATCH: Mga residente sa Ilocos Sur nagsimula nang linisin ang mga debris at magkumpuni ng mga nasirang bahay

By Chona Yu October 21, 2016 - 12:28 PM

Navarcan Ilocos Sur | Kuha ni  Jun Corona
Navarcan Ilocos Sur | Kuha ni Jun Corona

Matapos manalasa ang Super typhoon Lawin, unti-unti nang bumabangon ang mga residente ng Ilocos Sur.

Katunayan, hindi na naghintay ang mga residente sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at kani-kaniya na sila sa pagsasagawa ng clearing operations sa mga punong natumba sa kalsada.

Ang ilan ay kani-kaniya ring dampot ng mga nilipad na yero at nagkukumpuni na ng mga natuklap na bubong.

Ang mga nabasang palay, ibinilad na rin ng mga magsasaka dahil nagpakita na ang araw sa lalawigan.

Naibalik na rin ang suplay ng kuryente at komunikasyon sa Ilocos Sur at wala nang naranasang pag-ulan sa nakalipas na magdamag.

Sa bahagi ng Candon City, wala pa ring pasok ngayong araw sa mga paaralan at maging sa tanggapan ng mga gobyerno dahil sa lawak ng pinsala ni Lawin.

Nalinis na rin ang mga natumbang puno maging ang mga poste ng kuryente para hindi na makaabala sa mga motorista.

 

 

TAGS: Typhoon Lawin aftermath in Ilocos Sur, Typhoon Lawin aftermath in Ilocos Sur

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.