12 na ang patay sa hagupit ng bagyong Lawin-NDRRMC

Photo via OCD-CAR CDRRMDC
Photo via OCD-CAR CDRRMDC

Umabot na sa labingdalawa ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Lawin.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ricardo Jalad, patuloy ang pagtanggap nila ng mga report hinggil sa bilang ng casualties.

Sa datos ng NDRRMC, walo sa labingdalawang nasawi ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Karamihan sa mga nasawi ay biktima ng landslide noong kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Samantala, sa Baguio City, nananariling sarado ang Kennon Road na nililinis pa rin sa mula sa mga nagbagsakang debris.

Maayos namang nadaraanan ang Marcos Highway, Naguilian Road at ang Baguio to Nueva Vizcaya Road.

Ayon kay Baguio City Mayor Mauricio Domogan, nakapagtala sila ng siyam na landslide sa lungsod at labinganim na bahay ang nasira pero wala naman napaulat na nasawi.

Sa Ilagan Isabela naman, isang tulay ang nawasak dahilan para ma-isolate ang isang lugar doon.

Ayon kay Isabela Gov. Faustino Dy III, mabilis naman na bumababa ang tubig sa Cagayan river.

Mula noong nananalasa ang bagyong Karen ay inilagay na sa state of calamity ang Isabela.

 

 

 

Read more...