12 domestic flights at 21 international flights kanselado dahil sa bagyong Lawin

By Erwin Aguilon October 21, 2016 - 08:10 AM

PAL CEBUPAC

(UPDATE) Aabot sa dalawampung biyahe ng mga eroplano ang kinansela na ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Lawin na may international name na Haima.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), ang Philippine Airlines (PAL) ay nagsuspinde na ng anim na domestic flights pitong international flights.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

(PAL)
Domestic
PR 2196/2197 Manila-Laoag-Manila
PR 2198/2199 Manila-Laoag-Manila
PR 2084/2085 Manila-Basco-Manila

International
PR 300/301 Manila-Hong Kong-Manila
PR 318/319 Manila-Hong Kong-Manila
PR 306/307 Manila-Hong Kong-Manila
PR 313 Hong Kong-Manila

Ang mga apektadong pasahero ay mayroong 30-araw para magpa-rebook ng kanilang flights.

Maari din silang tumawag sa 855 – 8888, o bumisita sa www.philippineairlines.com o di kaya ay magtungo sa pinakamalapit na PAL ticketing office.

Samantala, ang Cebu Pacific naman ay mayroong apat na kanseladong domestic flights at walong international flights.

Kabilang dito ang mga sumusunod na flights:

(Cebu Pacific)
Domestic
5J 196/197 Manila- Cauayan-Manila
5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila

International
5J 110/111 Manila-Hong Kong-Manila
5J 118/119 Manila-Hong Kong-Manila
5J 114/115 Manila-Hong Kong-Manila
5J 142/143 Manila-Hong Kong-Manila

Ang CEBGO naman ay maroon dalawang flights na kanselado na kinabibilangan ng:

DG6004/6005 MANILA-LAOAG-MANILA

Ang mga pasahero naman ng Cebu Pacific ay inabisuhan din n amagpa-rebook sa loob ng 30 mula sa kanilang original departure date. Pwede rin silang mag-refund ng kanilang ticket.

Samantala, may kanselado ring anim na biyahe ang Cathay Pacific na kinabibilangan ng:

(Cathay Pacific)
CX 903/906 Manila-Hong Kong-Manila
CX 918/919 Manila-Hong Kong-Manila
CX935/900 Manila-Hong Kong-Manila

 

TAGS: cancelled flights for October 21, cancelled flights for October 21

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.