15-17 bagyo lang ang papasok sa PAR

August 02, 2015 - 11:56 AM

pagasa-logo-298x224Dahil sa nararanasang El Niño, mababawasan na ang dami ng mga bagyo na papasok sa Pilipinas ngayong taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Gener Quitlong, weather forecaster ng Pphilippine, Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng umabot na lamang sa 15 hanggang 17 bagyo ang papasok na bagyo ngayong taon.

Pero ayon kay Quitlong, asahan na mas malalakas na bagyo ang tatama sa bansa dahil sa climate change.

Sa ngayon, isang bagyo ang binabantayan ng PAGASA na maaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) line sa araw ng Miyerkules, August 5.

Ayon kay Quitlong, sakaling pumasok sa bansa, tatawagin itong bagyong ‘Hanna’./ Chona Yu

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.