Bagyong Haima, patungo na sa Guandong, China

Matapos manalasa sa Pilipinas, patungo na sa Guangong, China ang bagyong Lawin na may international name na Haima.

Dahil humina ang bagyo, inaasahang nasa category 1 typhoon ito sa sandaling tumama sa China.

Posibleng tumama muna ito sa kalupaan ng Hong Kong na nagsuspinde na ng mga klase at flights bilang paghahanda.

Ang mata ng bagyo ay inaasahang tatama sa Shanwei ngayong Biyernes ng umaga.

Ang Hong Kong ay nauna nang nagtaas ng signal number 8.

Ang Haima ang ikatlong malakas na bagyo sa Hong Kong ngayong buwan ng Oktubre.

 

 

 

Read more...