Navotas City Jail hinagisan ng granada, 1 sugatan

May 28, 2015 - 12:49 AM

May 28 Navotas Erwin 1
Kuha ni Erwin Aguilon

Isa ang sugatan matapos hagisan ng dalawang granada ang harapan ng Navotas City Jail, Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang nasugatan na si Agnes Salinas na nagtamo ng sugat sa kaniyang paa at agad dinala sa pagamutan. Natutulog si Salinas malapit sa lugar nang hagisan ng granada ang bukana ng bilangguan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na isang granada lamang ang sumabog, habang ang isa ay naihagis pero hindi pumutok. Agad itong isinecure ng mga otoridad.

“Yung isang granada hindi sumabog, natanggal ang pin kaya sinecure agad natin,” ayon kay Tiangco.

Mabilis na nakatakas ang suspek na naghagis ng granada sakay ng motorsiklo.

Sinabi ni Tiangco na usapin ng illegal na droga ang tinitingnang anggulo ng mga otoridad sa insidente. Ani Tiangco, sa panayam nila sa mga residente sa lugar, nagtanong-tanong muna ang suspek kung saan niya makikita ang tinatawag niyang “Sir Naic” na nakatalaga umano sa Station Anti Illegal Drugs (SAID) ng Navotas Police.

Matapos umanong makapagtanong ay umalis na lamang ang suspek saka naghagis ng dalawang granada sa harap ng City Jail kung saan isa nga ang sumabog.

Posible ayon sa alkalde na nagkamali ng target ang suspek dahil ang tanggapan ng SAID ay katabi lang ng ng Navotas City Jail. / Erwin Aguilon

TAGS: city jail, granada, grenade, navotas, city jail, granada, grenade, navotas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.