Holdaper, patay sa engkwentro sa Sta. Cruz, Maynila

By Jong Manlapaz October 21, 2016 - 04:07 AM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Agad na binawian ng buhay ang isang ang isang hinihinalang holdaper matapos siyang masukol ng mga pulis sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila kaninang madaling araw.

Isang tawag ang natanggap ng Blumentrit Police Community Precinct mula sa isang concerned citizen na may isang lalaki na umaaligid sa kanilang lugar.

Ayon kay Police Insp. Elizur Corporal ng Blumentritt PCP, agad na pinaputukan ng suspek ang mga pulis na dumating sa lugar, kaya napilitan ang mga ito na gumanti ng putok.

Dito na nasawi ang suspek na kinilala lamang sa alyas Gilbert.

Naniniwala si Corporal na posibleng pangho-holdap ang pakay ni alyas Gilbert, dahil nakatambay ito sa madilim na bahagi ng lugar na talamak sa holdapan.

Nakuha sa nasawing suspek ang isang paltik at dalawang sachet na hinihinalang shabu.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.