Ilang bahagi ng Ilocos, nagdeklara na ng state of calamity

By Chona Yu, Kabie Aenlle October 21, 2016 - 03:10 AM

 

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Marami nang naranasang bagyo ang kumbento at paaralan ng St. Augustine sa Tagudin, Ilocos Sur na noong 1910 pa itinayo, ngunit nawasak lang ito dahil sa super bagyong Lawin.

Bukod sa mismong istruktura ng kumbento, kasamang nasira ang mga makasaysayang relics, imahen ng mga santo at mga libro dahil sa bagyo.

Mahigit isang libong residente naman ang inilikas sa nasabing bayan dahil sa pananalasa ng bagyo, dahilan para magdeklara na rin ang lokal na pamahalaan ng state of calamity.

Nagpasya ang lokal na pamahalaan na isailalim na sa state of calamity ang kanilang bayan upang magamit na ang calamity fund na maaring ipangtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Samantala, bukod sa bayan ng Tagudin sa Ilocos Sur, nagdeklara na rin ng state of calamity ang Laoag City sa Ilocos Norte dahil rin sa pinsalang idinulot ng bagyong Lawin.

Sa ibang lugar naman, idineklara na rin ang state of calamity sa bayan ng Bangar sa lalawigan ng La Union, habang posibleng ganito na rin ang gawin ng Tuguegarao City sa Cagayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.