DepEd, hindi na magpu-post ng mga class suspension

 

Simula ngayon, hindi na magre-repost ng mga anunsyo sa social media ang Department of Education na may kaugnayan sa suspensyon ng klase.

Ang desisyon ng DepEd ay resulta ng kalituhang nangyari kamakalawa nang mag-repost ang Kagawaran ng maling anunsyo ng suspensyon ng klase sa Metro Manila sa kasagsagan ng supertyphoon ‘Lawin’.

Ipinaliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones, nagsimula ang kalituhan nang mai-retweet ng DepEd ang isang post mula sa isang pekeng website na nagpapanggap na account ng Pagasa.

Humingi rin muli ng paumanhin si Briones sa klaituhan at nangakong gagawa ng kaukulang mga hakbang upang matiyak na hindi na muling mauulit ang pangyayari.

Dagdag pa ng Kalihim, sa ilalim ng Order No. 43, walang kapangyarihan ang Kagawaran na magsuspinde ng klase.

Tanging ang mga LGU aniya ang maaring magdeklara ng suspensyon ng klase kung walang nakataas na Public Storm Warning Signal.

Read more...