$13.5 bilyon halaga ng mga kasunduan, iuuwi ni Pangulong Duterte mula China

By Inquirer, Jay Dones October 21, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer/AP

Matapos na pumayag na pumasok sa negosasyon sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea, tatanggap ng nasa $9 bilyon halaga ng mga ‘soft loans’ ang Pilipinas mula sa China.

Ayon sa impormasyon ng Inquirer, nasa $6 bilyon na ‘soft loans’ ang ilalaan ng Chinese government samantalang ang nalalabing tatlong bilyon ay magmumula sa mga credit facilities mula sa mga pribadong Chinese banks.

Ang naturang halaga ay magiging bahagi ng kabuuang $13.5 bilyong kasunduan na iuuwi ni Pangulong Duterte sa pagbabalik nito sa bansa.

Nasa labintatlong kasunduan at memorandum of understanding ang nilagdaan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping sa kanilang pag-uusap sa Great Hall of the People sa Beijing kahapon.

Kabilang sa mga kasunduan ay ang pagtataguyod ng Joint Coastal Guard Committee on Maritime Cooperation na unang hakbang sa kooperasyon sa pinag-aagawang South China Sea.

Bukod dito, nasa $15 milyon naman ang ipinangako ni President Xi na tulong sa patuloy na kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.

Nangako rin ang dalawang lider na palalakasin ang trade and investment at economic cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.