Mangingisda nalunod, anak nakaligtas sa pagkaka-anod sa Cebu

By Kabie Aenlle October 21, 2016 - 04:04 AM

 

Mula Google Maps

Nalunod ang isang mangingisda matapos siyang matangay ng agos ng tubig habang tumatawid sila ng kaniyang anak sa baybayin sa Brgy. Maya sa Daanbantayan, Cebu.

Kinilala ang 51-anyos na mangingisda na si Jessie Estemar, habang ang 32-anyos naman niyang anak na nakaligtas ay nakilalang si Wivelle Estemar.

Ayon kay Wivelle, nakakapit sila ng kaniyang ama sa kanilang bangka habang sila ay nangunguha ng kabibe sa baybayin, madaling araw ng Huwebes.

Low tide aniya noong mga panahong iyon, ngunit biglang tumaas ang tubig at natangay sila ng malakas na agos ng tubig.

Doon na aniya sila nagkahiwalay ng ama na nasawi matapos malunod, habang si Wivelle ay nakakapit sa isang naka-usling bato.

Nasagip ng iba pang mangingisda si Wivelle, habang ang iba pa naman nilang kasamahan ay naghanap sa katawan ni Jessie na narekober tatlong oras matapos mangyari ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.