Duterte economic team, todo-salag sa ‘US separation announcement’ ng Pangulo

By Kabie Aenlle October 21, 2016 - 04:33 AM

 

dominguez-0704Agad na kumambiyo ang economic team ng administrasyon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagputol niya sa military at economic ties ng Pilipinas at Amerika.

Sa inilabas na pahayag nina Finance Sec. Carlos Dominguez III at National Economic and Development Agency (NEDA) Director General Ernesto Pernia, nilinaw nila ang naging anunsyong ito ng pangulo.

Ayon sa kanila, ang pahayag ni pangulo ay bilang pagsusulong lamang ng “regional economic integration,” sa Asya, pero hindi anila ito nangangahulugan ng pagputol sa economic ties sa Amerika.

Paliwanag nina Pernia at Dominguez, bagaman pananatilihin pa rin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika, mas prayoridad ngayon ang pagsusulong ng maayos na samahan sa magkakalapit bansa.

Ito anila ang dahilan kung bakit inuna ni Pangulong Duterte ang pagpunta sa mga kalapit na bansa ng Pilipinas, at dahil na rin sa iisa ang kultura at mas mayroong pagkakaintindihan sa loob ng rehiyon.

Ang pakikipagsamahan ng Pilipinas sa ASEAN China, Japan at South Korea, ay latulad ng binuong samahan ng European Union, NAFTA sa North America at Mercosur sa South America.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.