‘Habagat’ nagtapos na; ‘Amihan’ mararanasan na sa bansa

By Isa Avendaño-Umali, Jay Dones October 21, 2016 - 04:08 AM

 

Inquirer file photo

‘Officially over’ na ang ‘Habagat’ o Southwest monsoon.

Ayon sa PAGASA, batay sa mga nakalipas na climate analyses, nakita ang significant weakening o paghina ng Habagat noong mga nakalipas na araw.

Lumakas naman ang high pressure systems sa mainland Asian continent, na nagdulot ng pagbabago ng panahon.

At dahil sa mga development na ito, ang Habagat ay tapos na.

Bunsod nito, asahan na ang period of transition at pagkakaroon ng Northeast monsoon season o tinatawag na Amihan, na inaasahang mararamdaman sa mga darating na araw.

Ang hanging Amihan ang nagdadala ng malamig na panahon sa bansa.

Ito ang kalimitang naghuhudyat ng pagpasok ng ‘holiday season’ sa Pilipinas.

Karaniwang nararanasan ang malamig na hangin dulot ng Amihan hanggang sa buwan ng Pebrero.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.