Ang kaso laban kay Biazon ay kaugnay ng pagkakasangkot nito sa pork barrel scam.
Si Biazon ay nahaharap sa kasong graft, malversation at direct bribery sa Sandiganbayan kaugnay sa umano’y hindi tamang pag-gamit ng kanyang PDAF na nagkakahalaga ng tatlong milyong piso.
Sa resolusyon ng antigraft court inaatasan ang liderato ng Kamara na ipatupad ang suspension order laban sa kongresista sa lalong madaling panahon.
Layon ng suspensyon na mapigilang maimpluwensyahan ni Biazon ang takbo ng kanyang kaso.
Maliban kay Biazon pinatawan din ng 90-day preventive suspension sina DBM Usec. Mario Relampagos, Rosario Nuñez, Lalaine Paule, at Marilou Bare.