Umano’y tulak ng droga sa Sta. Maria Bulacan, patay sa anti drug ops

 

Inquirer file photo

Agad na napatay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa Sta. Maria, Bulacan.

Sa kwento ni Supt. Raniel Valones, hepe ng Sta. Maria PNP, isang operasyon ang ikinasa laban kay Ramil Montaos, 33 taong gulang, dakong alas 6:30 ng gabi.

Nagpositibo ang pagbili ng asset na bbc pulis ng P500 halaga ng shabu sa loob mismo ng bahay ng suspek sa Brgy. Lalakhan nang makaramdam ito na pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Hindi pa man naaaresto ang suspek ay bumunot na umano ito ng baril ngunit naunahan ito ng putok ng operatiba na nagresulta sa agarang pagkamatay ng target.

Tatlong tama ng bala ang tinamo sa katawan ng suspek at narekober sa crime scene ang isang kalibre 38 baril at tatlong basyo ng 9 mm.

Read more...