Military at economic ties sa U.S pinutol na ni Duterte

Duterte-China1
Inquirer file photo

Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa military at economic ties sa U.S.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga Chinese leaders, sinabi ni Duterte na nagdesisyon siyang makipag-alyansa sa China.

“I announce my separation from the United States both in the military but economics also. So please you have another problem of economics in my country… I realign myself in your ideological flow and maybe I will also go to Russia to talk to Putin. There are three of us against the world. China, Philippines, Russia,” paliwanag ng pangulo.

Umani ng standing ovation mula sa Chinese leaders at mga negosyante ang naging pahayag ni Duterte.

Nauna dito ay nagdesisyon ang pangulo na itigil na ang mga naka-kalendaryong military war games sa pagitan ng U.S at Pilipinas.

Sa mga nakalipas na araw ay naging maanghang rin ang pananalita ng pangulo laban kina U.S President Rodrigo Duterte pati na rin sa European Union.

Inakusahan rin ni Duterte ang U.S at E.U ng pakikialam sa kanyang ginagawang kampanya laban sa problema ng illegal drug trade sa bansa.

Read more...