Cagayan mistulang pinadapa ng bagyong Lawin ayon sa DSWD

By Den Macaranas October 20, 2016 - 08:45 PM

Cagayan1
Photo: Arn Santos

Wala pa ring suplay ng kuryente at pahirapan naman ang signal ng cellphone sa halos ay kabuuan ng lalawigan ng Cagayan.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo na hanggang ngayon ay limitadong mga detalye lamang ang kanilang nakukuha mula sa mga lugar na binayo ng bagyong Lawin sa nasabing lalawigan.

Ilang mga bayan naman ang lubog pa rin sa tubig baha sa lalawigan ng Isabela.

Sa lalawigan ng Aurora, sinabi ni Taguiwalo na karamihan sa mga nananatili sa mga evacuation centers ay yung mga naapektuhan pa ng bagyong Karen.

Sa kabuuan ay naging minimal lamang ang epekto ng bagyon Lawina sa Aurora ayon pa sa kalihim.

Kaugnay nito, sinabi ni Taguiwalo na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local executives sa mga lalawigan sa Northern Luzon para mapabilis ang paglalabas ng ayuda sa mga naapektuhan ng magkasunod na bagyo.

Cagayan4

Cagayan3

Cagayan2

TAGS: Cagayan, dswd, lawin, taguiwalo, Cagayan, dswd, lawin, taguiwalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.