Resulta ng eleksyon sa U.S hindi tatanggapin ni Trump

By Den Macaranas October 20, 2016 - 02:58 PM

Clinton-Trump-0222
AP

Sa pagtatapos ng kanilang ikatlo at huling presidential debate ay sinabi ng pambato ng Republican Party na si Donald Trump na hindi niya tatanggapin ang magiging resulta ng halalan sa U.S.

Sinabi ni Trump na malinaw ang plano ng pamahalaan ng America na dayain ang halalan pabor sa kandidato ng Democrats na si Hillary Clinton.

Sa mga nakalipas na survey ay nanatiling nangunguna si Clinton laban kay Trump bagay na hindi matanggap ng nasabing billionaire businessman.

Sinabi naman ng kanyang campaign strategist na si Kellyanne Conway na nagbibiro lamang sa kanyang pahayag si Trump.

Sinabi ni Conway na imposibleng hindi tanggapin ni Trump ang resulta ng halalan dahil siya umano ang mananalo sa eleksyon na gaganapin sa Nobyembre 8.

Bago ang final debate ay nagbatuhan ng mga maiinit na isyu ang magkabilang partido.

Isa sa mga inilutang ng grupo ni Trump ay ang isang babae na umano’y biktima ng sexual harassment ni dating Pangulong Bill Clinton noon pang dekada ’80.

Nagbanta rin si Trump na marami pa silang ilalabas na sikreto na umano’y magpapalutang sa tunay na pagkatao ng asawa ng kanyang karibal sa eleksyon na si Hillary Clinton.

TAGS: clinton, democrats, republican, trump, u.s debate, clinton, democrats, republican, trump, u.s debate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.