Mga Pinoy tinawag na kapatid ni Chinese President Xi Jinping

By Den Macaranas October 20, 2016 - 02:55 PM

Chinese President Xi Jinping, right, shows the way to Philippine President Rodrigo Duterte during a welcome ceremony outside the Great Hall of the People in Beijing, China, Thursday, Oct. 20, 2016. (AP Photo/Ng Han Guan)
AP

Tulad ng isang magkapatid, madaling mapag-uusapan ng China at ng Pilipinas kung anuman ang ilang bagay na hindi nila pinagkakaunawaan.

Ito ang nilalaman ng pahayag ni Chinese President Xi Jinping sa kanilang paghaharap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Great Hall of the People sa Beijing.

Kasalukuyang nasa China ang pangulo para sa kanyang apat na araw na state visit.

Sa kanyang talumpati kanina, iniwasan ni Xi na tukuyin ang gusot sa West Philippine Sea na siyang ugat ng problema sa pagitan ng dalawang bansa.

Tinatawag rin ni Xi na “very significant” ang pagdalaw ni Duterte sa China na ayon sa kanya ay magdadala ng higit pang partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

Binanggit din ng lider ng China na kung babalikan ang kasaysayan, higit na mas malalim ang pinagsamahan ng Pilipinas at China kumpara sa ilang western countries.

Kasama ni Duterte na dumating sa China ang halos ay dalawang daang mga negosyante at mga miyembro ng kanyang gabinete.

Nauna nang sinabi ng pangulo na sa kanyang pagbisita sa China ay iiwasan niyang matalakay ang agawan ng mga isla sa West Philippine Sea.

TAGS: China, duterte, state visit, Xi Jinping, China, duterte, state visit, Xi Jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.