Bagsak ang linya ng globe sa 5 lalawigan na tinamaan ng bagong Lawin

By Erwin Aguilon October 20, 2016 - 01:24 PM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Ilang mga lalawigan sa Northern Luzon ang walang signal ng cellphone dahil sa bagyong Lawin.

Ayon kay Globe Senior Vice President for Corporate Communications Yoly Crisanto kabilang sa mga lugar na apektado ng call at data service disruptions ang mga lugar sa Abra, Cagayan, Kalinga, bahagi ng Apayao at Ilocos Norte.

Gayunman sinabi ni Crisanto na dahil sa ginawang pagbababa ng PAGASA sa typhoon level ang supertyphoon Lawin magandang oportunidad ito para makapagsagawa agad sila ng restoration ng kanilang serbisyo.

Kaugnay nito nagkakaroon na aniya ng network redundancy sa mga nasabing lugar upang mabawasan ang impact sa mga customer.

Nai-deploy na rin anya nila ang kanilang mga technical team para maisaayos ang mga nasira nilang pasilidad uoang maibalik ang serbisyo sa kanilang mga subscribers.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.