Bagyong Lawin, patuloy sa paghina; lalabas na ng bansa mamayang gabi

By Dona Dominguez-Cargullo, Isa Avendaño-Umali October 20, 2016 - 11:40 AM

Patuloy sa paghina ang bagyong Lawin at ngayon ay nasa karagatan na ng Ilocos Norte.

Sa 11AM weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa 130 kilometer Northwest ng Sinait, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 185 kilometers bawat oras.

Kumikilos ito sa bilis na 21 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Inalis na ng PAGASA ang signal number 3 sa ibang lalawigan sa Luzon.

Samantala, nakataas pa rin ang signal number 2 sa Ilocos Norte, Apayao, Abra, Ilocos Sur at sa Calayan Group of Islands.

Habang signal number 1 naman ang nakataas sa Batanes Group of Islands, Cagayan, Kalinga, Isabela, Quirino, Northern Aurora, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Pangasinan at Northern Zambales.

Ayon sa PAGASA, mamayang gabi, inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyong Lawin at bukas ng umaga ay magsisimula nang gumanda ang panahon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

 

TAGS: 11AM update on Typhoon Lawin, 11AM update on Typhoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.