Mga paliparan sa mga lalawigang sinalanta ng bagyong Lawin, isinara

By Dona Dominguez-Cargullo October 20, 2016 - 11:30 AM

Tuguegarao AirportSarado ngayong araw ang maraming paliparan sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Lawin.

Ito ang nakasaad sa abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon sa CAAP, kabilang sa mga isinarang paliparan ay ang mga airport sa Laoag, Vigan, Baguio, Lingayen, Tuguegarao, Cauayan, Palanan at San Fernando.

Ito ay dahil sa pinsalang idinulot ng bagyong Karen sa nasabing mga lugar.

Karamihan din kasi sa mga kalsada na patungo sa mga paliparan sa mga nabanggit na lugar ay naharangan ng mga nagbagsakang debris.

Gaya na lamang ng Tuguegarao Airport na karaniwang ginagamit ng mga residente sa Cagayan at Isabela na bibiyahe pa-Maynila at pabalik.

Ang national highway sa Isabela patungong Tuguegarao ay naharangan ng mga puno at mga posteng bumagsak dahil sa lakas ng hanging dala ng bagyong Lawin.

Samantala, kinansela naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-iral ngayong araw ng number coding.

Nangangahulugan ito na malayang makkabiyahe sa Metro Manila ang mga sasakyan na may plate number na nagtatapos sa numbers 7 at 8.

 

 

 

TAGS: some airports closed due to typhoon Lawin, some airports closed due to typhoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.