Yellow rainfall warning nakataas pa rin sa tatlong lalawigan sa Central Luzon
Dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng bagyong Lawin, nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang PAGASA sa tatlong lalawigan sa Central Luzon.
Sa abiso ng PAGASA alas 9:00 ng umaga, yellow warning level ang nakataas sa Zambales, Nueva Ecija at Tarlac.
Ayon sa PAGASA, dapat maging maingat ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagbaha.
Light hanggang moderate na pag-ulan naman ang makaka-apekto sa Bataan, Pampanga, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at Quezon sa susunod na tatlong oras.
Mamayang alas 12:00 ng tanghali ay muling magpapalabas ng rainfall advisory ang PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.