Eroplano ng PAL galing US, nakatanggap ng bomb threat
Nagtalaga ng mga tauhan ng bomb squad sa Ninoy Aquino International Airport matapos na makatanggap ng bomb threat ang isang eroplano ng Philippine Airlines na galing sa Estados Unidos.
Sa ulat mula sa Manila International Airport Authority (MIAA) galing Los Angeles ang Boeing 777 plane na may registry number na RPC 7772 at flight PR103.
Isang crew umano ng eroplano ang nakakita ng isang styrofoam cup sa lavatory at may nakasulat doon na may bomba sa loob ng eroplano.
Agad itong inireport sa piloto na siya namang tumawag sa airport police at aviation security group ng PNP para agad makaresponde.
Binusising mabuti ng mga tauhan ng Avsegroup at K9 units ang bagahe ng lahat ng mga pasahero nang ito ay dumating sa NAIA terminal 1.
Alas 7:00 ng umaga nang ideklarang ligtas sa bomba ang nasabing eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.