Bagyong Lawin, lalo pang humina; mata ng bagyo nasa karagatan na

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz October 20, 2016 - 08:56 AM

Wala na sa landmass ng Pilipinas ang mata ng bagyong Lawin at ngayon ay nasa karagatan na sa bahaging kanluran ng Ilocos Norte.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, lalo pang humina ang bagyo at inalis na rin ang public storm warning signal number 4 sa mga lalawigan sa Northern Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa 40km northwest ng Laoag, Ilocos Norte, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 230 kilometers bawat oras.

Bumagal din ang bagyo at ngayon ay kumikilos na lamang sa 22 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, nakataas ang public storm warning signal number 3 sa Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Abra, Ilocos Sur at Calayan Group of Islands.

Signal number 2 naman sa Batanes Group of Islands, La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Pangasinan, Aurora, Tarlac, Nueva Ecija at Northern Zambales.

Habang signal number 1 sa nalalabing bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan at Pampanga.

Inalis na rin ang umiiral na public storm warning signal sa Metro Manila at iba pang kalapit na lalawigan.

Mamayang gabi inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility.

 

TAGS: Typhoon Lawin, Typhoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.